Welcome to TRF Compassionate Communities!

The Ruth Foundation’s (TRF) Compassionate Communities uses global models and adapts them to fit the Philippine setting. It values the important role of Filipino families, barangays, churches, schools, and local leaders in providing care and support for one another. Through partnerships, training, and community involvement, TRF hopes to make conversations about illness, caregiving, death, and grief more natural, while bringing basic palliative care into public health and everyday community life.

(Ang Compassionate Communities ng The Ruth Foundation (TRF) ay nakabatay sa mga modelo mula sa ibang bansa at iniangkop para sa Pilipinas. Kinikilala nito ang mahalagang papel ng mga pamilyang Pilipino, barangay, simbahan, paaralan, at mga lokal na lider sa pagbibigay ng malasakit at suporta sa isa’t isa. Sa tulong ng mga katuwang, pagsasanay, at aktibong pakikilahok ng komunidad, layunin ng TRF na gawing normal ang mga usapan tungkol sa sakit, pag-aalaga, kamatayan, at pagdadalamhati, at maisama ang pangunahing palliative care sa kalusugan at gawaing pangkomunidad.)

General Objective

To establish compassionate communities across the country as a sustainable means of ensuring easy and equitable access to basic palliative care for all Filipinos facing serious illness and their families.

(Magtatag ng mga compassionate communities sa buong bansa bilang isang pangmatagalang paraan upang matiyak ang madali at patas na access sa pangunahing palliative care para sa lahat ng Pilipinong may malubhang karamdaman at kanilang mga pamilya.)

For Capacity-Building and Community Empowerment, we offer The Good Book Course. Once you complete this online course and the face-to-face training, you will be eligible to acquire the Level 1 certification of Compassionate Community training.

(Para sa Capacity-Building at Community Empowerment, iniaalok namin ang The Good Book Course. Kapag natapos mo ang online course at ang face-to-face na pagsasanay, magiging kwalipikado kang makakuha ng Level 1 certification para sa Compassionate Community training.)